Tungkol Sa Blog

Mabuhay ka kaibigan at maraming salamat sa pagbisita mo dito. Ginawa ko ang blog na ito para tayo magkaroon ng seryosong diskusyon ng mga bagay-bagay na nangyayari sa ating pakikibaka sa araw-araw nating upang kahit paano ay mabigyan natin ng marangal na pamumuhay ang ating pamilya.

Tanggapin na natin na mahirap ang kalagayan sa buhay ng marami sa atin sa kasalukuyan at kung hindi tayo magtutulungan sa pagpapalitan ng mga ideya ay mas lalong magiging mahirap ang ating pakikibaka. Kailangan nating magpalitan ng mga kuru-kuro sa ibat-ibang bagay upang ang mga nasa alanganing kalagayan ay makakuha ng gabay sa kanilang gagawing mga desisyon. Sana sa ganito man lang paraan ay maibsan natin ang bigat ng dalahin ng ating mga kapwa Pilipino sa ngayon.

Masyado yatang seryoso ang arangkada ko ah? Baka isipin ninyo na lalo lang bumigat ang pasanin natin kung ganito ang maging takbo ng ating mga talakayan. Hindi naman talaga ganoon ang gusto kong maging takbo ng ating blog. Pwede nating gawing pabiro ang ating mga puna basta maipahiwatig natin na biro lang ito sa pamamagitan ng paglagay ng ^_^ o 🙂 sa dulo ng ating post.

Ang inyong lingkod ay isang pangkaraniwang mamamayan na isinilang na ang ama ay isang magbubukid at mananahi naman ang aking ina. Pinalad ako na makatapos ng kolehiyo at magkaroon ng maraming karanasan bilang manggagawa sa ibat-ibang industriya. Sa kasalukuyan ay semi-retired na ako kaya may oras akong mag-blog at makipagtalastasan sa inyo. Sana ay maging marapat ang aking kakayahan sa pakikipagpalitan ng kaalaman tungkol sa ibat-ibang topics na matatalakay natin dito.

Nais kong banggitin na pwede ninyong punahin ang anumang bagay na nakalathala dito. Pinili ko na sa ating wika gawin ang blog na ito upang maipahayag natin nang buung-buo ating niloloob. Kung sakali na kailanganing sa Ingles ninyo ipahayag ang inyong damdamin, pwedeng-pwede ninyo itong gawin.

Hanggang dito na lang muna at sana ay maging regular ang pagbisita ninyo dito. Maraming salamat at patnubayan nawa tayo lagi ng Maykapal!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: