Matagal na Sunuran ng Pagpapahayag

9 02 2009

Medyo matagal nasundan ang unang lathala dito sa aking blog. Wala naman talagang malubhang dahilan kundi yung tinatawag natin sa ating wika na “tinamaan ng katam”. Bukod dito ay napag-alaman ko sa ilan kong nakausap na medyo mahirap daw mag-lathala ng seryosong blog sa napili kong wika. Siguro nga, kasi kung hindi totoo ang naturang obserbasyon, sana ay mas marami sa mga Pilipinong bloggers ang sumusulat sa Tagalog.

Habang parang nanganganay ang inyong lingkod sa pagpapalawig ng antas ng pakikipagtalastasan sa inyo ay taos sa puso ko ang paghingi ng paumanhin. Talagang matagal ang naging sunuran nitong una at pangalawa kong lathala. Nangangako ako na pagsisikapang kong maging mas malimit ang sunuran ng aking mga blog sa mga darating na araw. Sana ay bigyan naman ninyo ako ng patnubay tungkol sa mga bagay na gusto ninyong matalakay natin dito. Bukas ang inyong lingkod sa anumang panukala na manggagaling sa inyo, mga giliw kong mambabasa.

Hanggang dito na lang muna ang aking blog sa araw na ito na nais kong isara sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa inyo. Asahan ninyo na itutuloy natin ang pagtatalastasan tungkol sa anumang topic na nararanasan ng karaniwang mamamayang Pilipino na dumaranas din ng krisis sa kasalukuyan tulad din ng dinaranas na paghihirap ng mag tao sa ibang panig ng daigdig.

Advertisements